Duterte sa AFP: ‘Kung nagsisinungaling ako sa aking kayamanan, please oust me’

     2 weeks ago
9
Leave a Comment
0 SHARE

Harapang hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na patalsikin siya sa pwesto kung siya’y nagsisinungaling kaugnay sa kanyang taglay na yaman.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa pangunguna sa 58th change of command ceremony ng Philippine Army (PA) sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Magugunitang sa pinakabagong paratang ni Sen. Antonio Trillanes, aabot umano sa bilyong piso ang bank accounts ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Pangulong Duterte, kung lalagpas ng P40 million ang kanyang kabuuang ipon kasama na ang kanyang mga minana sa mga magulang, agad siyang patalsikin bilang pangulo ng republika.

Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na huwag ng pagtuunan ng mga sundalo ang kanyang pulitika dahil ito naman daw ay pampatawa lang.

READ  Panoorin: Trillanes hinikayat ang mga sundalo na wag sundin si Duterte

Una kanina, muling tiniyak ng pangulo ang lubos na pangangalaga ng kanyang administrasyon sa mga sundalo.

Inihayag din nito ang pangangailangan ng modernisasyon sa kanilang mga kagamitan lalo pa sa mga bagong hamong hinaharap gaya ng terorismo.

Kaya daw natatagalan ang giyera sa Marawi City laban sa ISIS-Maute terror group dahil sa kakaibang “urban warfare” kung saan hindi pa sanay ang mga tropa ng pamahalaan.

“Huwag kayong maniwala. Sabi ko nga if it will exceed the P40 million mark and that is my lifetime saving including my hereditary property, sabi ko nga pleasze oust me, if I tell a lie to you,” ani Pangulong Duterte.

READ  Brother Eddie Villanueva ipinagdasal si Duterte para sa maayos na pamamahala sa bansa

Source link

Post Comments