Duterte sa EU ambassadors: Malaya kayong lumabas ng Phl sa loob ng 24 oras; diplomatic channel pwedeng putulin natin bukas

     2 months ago
32
Leave a Comment
0 SHARE

Hinamon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga diplomats ng European Union (EU) na lumayas sila sa bansa sa loob ng 24 oras.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa relaunching ng Press Briefing Room sa Malacañang kaninang hapon.

Maliban dito, hinamon din ni Pangulong Duterte ang mga nagbabantang patalsikin ang Pilipinas sa United Nations (UN) na ituloy nila ang kanilang balak kung kaya nga nila.

Nag-ugat ang pahayag ni Pangulong Duterte sa naging babala ng Human Rights Watch na posibleng mapatalsik United Nations Human Rights Council (UNHRC) dahil sa umano’y human rights violations sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, sa lahat ng mga ambassadors sa bansa na nakikinig sa kanyang talumpati, sabihan lamang siya at handa niyang putulin ang diplomatic channel sa kanila bukas din.

READ  Dalawang warships ng Australia, bibisita sa bansa

Ayon kay Pangulong Duterte, malaya ang mga ambassadors ng EU na lumayas ng Pillipinas sa loob ng 24 oras.

Sa ngayon, wala pang paglilinaw ang Malacañang kaugnay sa nabing pahayag ni Pangulong Duterte.

“Now, the ambassadors of those countries listening now. Tell me, because we can have the diplomatic channel cut tomorrow. You leave my country in 24 hours. All. All of you. You must have taken the Filipinos for granted,” ani Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments