Duterte sa mga Rapist na Taxi Driver: “Puputulan ko kayo ng ari”

     10 months ago
596
Leave a Comment
450 SHARE

Pasasabugin o hindi kaya ay puputulan ng ari ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taxi driver na nanggagahasa ng kanilang mga pasahero.

Paliwanag pa ng pangulo, lalabas siya ng Malakanyang na hindi kasama ang mga tauhan ng Presidential Security Group at magpapanggap na isang ordinaryong pasahero.

Amionado ang pangulo na tinatakot niya ang mga driver para hindi na gumawa ng kalokohan.

Sinabi rin ni Duterte na ipa-aaresto niya sa Philippine National Police ang mga driver ng taxi, jeep, bus at iba pang pampublikong sasakyan na naniningil ng sobra sa mga pasahero o hindi nagbibigay ng tamang sukli sa pasahe.

Paliwanag ng pangulo, ito ay dahil sa malinaw na kaso ng estafa o swindling.

READ  Nakumpiskang ‘drug packages’ BOC, inilipat sa pangangalaga ng PDEA

Kung nais aniya ng mga driver ng dagdag kita, dapat magpetisyon sila sa LTFRB ng dagdag-pasahe.

Inoobliga na rin ng pangulo ang mga taxi driver na maglagay ng ID sa loob ng sasakyan kung saan nakasulat ang kanilang pangalan at plate number at mayroong larawan para madaling makita ng mga pasahero.

Binalaan din ng pangulo ang mga holdaper na nagpapanggap na taxi drayber kung saan karaniwang pinapatay ang kanilang mga pasahero.

Ayon sa pangulo, gaya ng kanilang mga nabibiktimang pasahero, hindi malayong ganun din ang kahinanatnant ng mga taxi driver.

Aminado ang pangulo na isa ang sektor ng mga driver sa sumuporta sa kanyang kandidatura sa nakalipas na eleksyon.

READ  Ombudsman, pinagkokomento si dating Pangulong Aquino ukol sa DAP
450 SHARE

Post Comments