Duterte supporters, dumalo sa Plaza Miranda rally; anti-admin groups hindi rin nagpatalo sa protesta sa Luneta

     3 months ago
71
Leave a Comment
3 SHARE

Tinapatan din ng mga grupo ng supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinasagawang malawakang kilos protesta sa Metro Manila kasabay ng ika-45 na anibersaryo ng batas militar na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa pagtaya ni Police Community Precinct (PCP) Commander Leandro Gutierrez, papalo na sa 15,000 na supporters ni Duterte ang dumating sa Plaza Miranda para ipakita ang kanilang suporta sa pangulo.

Ang mga taga-suporta ni Duterte ay kinabibilangan ng 12 grupo mula Valenzuela, Malabon, Olongapo, Caloocan at grupong DDS Metro Manila, I am Duterte Humanitarian Group, Kilusang Pagbabago at marami pang iba na sumakay sa libreng bus.

Pasado ala-1:00 ng hapon nagsimula ang programa ay hindi ininda ng mga supporters ulan na bumuhos kaninang dakong alas-5:00 ng hapon.

Inaasahan na darating din sa programa mamaya si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II at iba pang mga cabinet officials.

READ  Checkpoints dadagdagan para sa pagpapatupad ng gun ban

Kanina ay nauna na sa event sina  Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Catalino Cuy at Department of Energy (DoE) Sec. Alfonso Cusi.

Ang event sa Plaza Miranda ay inorganisa ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) board member at Chairman  Benny Antiporda.

Una nang sinabi ni Antiporda na aabot sa 50,000 supporters ang bubuhos sa Plaza Miranda para makiisa sa isasagawang mga programa at patuloy pa rin namang dumadating ang mga tao dito.

Ang ilang supporters ni Duterte kanina na nasa Mendiola ay dumating na rin dito sa Plaza Miranda.

Samantala sinabi naman ni  Department of Labor and Employment Chief Silvestre Bello III na ang ganitong rally ay hindi kumpetisyon sa pagitan ng mga supporters at kontra sa administrasyon.

Ang mahalaga umano ay maihayag ang kanya-kanyang saloobin pabor o kontra sa pamahalaan.

READ  4 SC justices, handang tumestigo sa impeachment vs Sereno sa Dec. 11 - Rep. Umali

Sinabi naman ni Cusi, na nagsagawa sila ng rally para maipahayag ang kanilang pagsuporta sa Pangulong Duterte.

Sa kabilang dako, kung ang anti-Duterte protesters ay mistulang ginutom sa kakulangan ng pagkain ay hindi naman kinulang sa supply ng pagkain gaya ng tinapay, lugaw at inuming tubig ang mga supporters ng administrasyon.

Samantala, hindi naman nagpatalo ang mga makakaliwang grupo at iba pang organisasyong tumutuligsa sa mga polisya ng administrasyon na nagtipun-tipon naman sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ilan sa mga nasa Quirino ay nagmartsa galing pa ng Mendiola at Quezon City.

Partikular na kinokondena ng mga raliyistang militante ang umano’y extra-judicial killings kakaibat ng pinaigting na anti-drug war ni Pangulong Duterte at ang pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng ISIS-Maute terror group sa Marawi City.

Source link

Post Comments