Duterte, tinaasan ng P5-M ang reward sa paghuli kay Ardot Parojinog

     3 months ago
34
Leave a Comment
0 SHARE

CAGAYAN DE ORO CITY – Itinaas pa ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang P5 milyon ang ibibigay na reward money sa mga sibilyan na makapagtuturo sa pinagtataguan ng wanted na si Misamis Occidental board member Ricardo “Ardot” Parojinog.

Ito ay upang mapanagot ang nasabing miyembro ng mga Parojinog laban sa mga akusasyon na nasangkot siya sa illegal drug trade at pagkakaroon ng criminal syndicate groups katulad ng martilyo at salisi gangs.

Sinabi ni Duterte na nakahanda niyang ibigay ang pera para mahuli lamang ang mga natitirang miyembro ng mga Parojinog.

Sa rin daw sa layon nito ay para hindi na siya magpadala ng isang batallion ng mga pulis s Ozamiz City.

READ  Pagtataas ng kontribusyon ng SSS members, hindi mali at ilegal ayon sa ahensya

Tanging si Ardot lamang ang hindi pa nahuhuli mula nang inilunsad ng PNP ang anti-illegal drug operations sa mga bahay ng mga Parojinog sa Ozamiz City noong Hulyo 30, 2017.

Kaugnay nito, inihayag ni PNP regional spokesperson Supt. Lemuel Gonda, ipinapatrabaho na ng Police Regional Office-10 sa intelligence community ang pagtugis kay Parojinog para maiharap kay Duterte.

Tiniyak din nito ang seguridad ng mga pulis sa Ozamiz City na nakatakdang iwanan na ni incoming Iloilo City Police Office head C/Insp. Jovie Espenido.

Napag-alaman na hiling sana ng ilang mga residente sa Ozamiz City na ‘wag ng maalis si Espenido hangga’t hindi pa tuluyang nalilinis ang kanilang lugar sa mga krimen.

READ  Leni Questioned Marcos: Where did you get the 36M to pay PET?

Source link

Post Comments