Duterte at Trump masayang nag-usap sa phone

     11 months ago
228
Leave a Comment
77 SHARE

Ipinagmamalaki ng Malacanang na ‘click’ agad umano sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President-elect Donald Trump kagabi.

Sinabi ni Special Assistant to the President Chritopher “Bong” Go, nagkaunawaan at nagtugma agad ang dalawang lider sa kanilang phone conversation.

Ayon kay Sec. Go na kaharap mismo ng pangulo, inabot ng pitong minuto at 20 segundo ang phone conversation nina Trump at Duterte na aniya’y “very engaging, animated conversation.”

Sa kanilang pag-uusap, inimbitahan umano ni Pres. Trump si Pangulong Duterte na bumisita sa White House sa susunod na taon habang inimbitahan ng pangulo ang bagong US president-elect na dumalo sa 2017 ASEAN Summit kung saan pangangasiwaan ng Pilipinas.

READ  “Madaldal si Duterte pero hindi magnanakaw” - News Anchor JAKE MADERAZO

Inihayag pa ni Sec. Go na si Pangulong Duterte ang tumawag kay Trump bandang 10:30 kagabi sa pamamagitan ng kanyang cellular phone.

Kapansin-pansin sa video ng kanilang pag-uusap ang pagtawa ni Pangulong Duterte na mistulang kabiruan pa ang kausap na si Trump.

Post Comments