Duterte, umapela kay Trump na maghinay-hinay sa isyu sa North Korea

     5 months ago
81
Leave a Comment
31 SHARE

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump na maghinay-hinay at huwag kumagat sa patibong ni North Korean President Kim Jong-un.

Ito ay matapos magpakawala ng missile ang North Korea.

Ayon kay Duterte, dapat tumigil ang Amerika at North Korea sa paglalaro ng aniya’y mapanganib na laruan.

Muling nakapag-usap kagabi sina Duterte at Trump sa pamamagitan ng telepono.

Nababahala ang pangulo na kapag nagkaroon ng giyera ang Amerika at North Korea, ang unang babagsak ang East
Asia.

Source link

31 SHARE

Post Comments