Earthquake drill sa September 21 kinansela ng NDRRMC

     3 months ago
24
Leave a Comment
2 SHARE

Hindi na itutuloy sa Huwebes, September 21 ang nakatakdang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ito ang ginawang kumpirmasyon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan base sa naging utos ng kanilang pinuno na si Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Wala pang itinataksang petsa kung kailan gaganapin ang nasabing earthquake drill na nauna nang sinabi ni Marasigan na nakatakda sa bawat quarter ng taon.

Ang naturang postponement ay bilang pagbibigay daan sa itinakdang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing petsa.

Nauna nang ipinaliwanag ni Marasigan na noon pang June 25 naitakda ang September 21 earthquake drill at wala umanong kaugnayan ito sa mga mga kilos-protesta na gagawin sa nasabing araw.

READ  Duterte ‘disappears’ again, as VP Leni visits Marawi evacuees | News5

Ipinaliwanag rin ng NDRRMC na mahalaga ang regular na earthquake drill para manatiling handa ang publiko sakaling maganap ang pinangangambahang “the big one”.

Mariing kinondena ng oposisyon ang gaganaping NSED dahil layunin umano ito na hatiin ang atensyon ng publiko lalo’t nagtakda rin sila ng mga kilos protesta sa nasabing araw.

Source link

2 SHARE

Post Comments