Eastern Visayas, may bagong drug lord ayon kay Dela Rosa

     2 months ago
192
Leave a Comment
0 SHARE

 

Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa na mayroon na namang bagong drug lord na nagsisimula nang mamayagpag sa Eastern Visayas.

Ayon kay Dela Rosa, itong nasabing bagong drug lord ay hindi pa kasama sa listahan ng narcopoliticians ni pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, mayroon ding isa pang hinihinalang drug lord na nasa listahan na ng pangulo.

Naniniwala naman si Dela Rosa na hindi talaga basta kayang iwan ng mga sindikato ang bilyong pisong kita sa industriya ng iligal na droga.

Inihalintulad pa niya ito sa mga kaso ng mga tiwaling pulis na sa kabila ng pagkakaroon ng Counter-Intelligence Task Force ng PNP, ay hindi pa rin natitinag sa mga maling gawain.

Gagawa at gagawa pa rin kasi aniya ng paraan ang mga ito para maituloy ang kanilang mga iligal na aktibidad.

Source link

0 SHARE

Post Comments