Empoy Marquez, wish na maging leading lady sina Liza Soberano at Kaye Abad

     2 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

Nangunguna sa wish list ng mga leading lady na nais makapareha ng tinaguriang millenial leading man na si Empoy Marquez ang mga aktres na sina Liza Soberano at Kaye Abad.

Sa grand press conference ng kanyang bagong pelikula na “The Barker”, sinabi ni Empoy na bagaman open siya na makatrabaho ang sinuman artista, kung papipiliin siya ay sina Liza at Kaye ang kanyang gusto.

Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay ngayon dahil na rin sa una niyang hit film na “Kita Kita”, nilinaw ni Empoy na hindi siya magiging choosy sa mga proyektong ibibigay sa kanya.

Sinabi ni Empoy na igagalang niya kung anuman ang magiging pasya ng management pagdating sa kanyang career o sa mga makakasama niya na leading lady.

READ  Battered by Harvey, Houston braces for even more flooding

Pero kung papipillin siya kung anong klase ng pelikula na gusto niyang gawin, nais niyang bumida sa remake ng classic film ni Dolphy na “Ang Tatay Kong Nanay”.

Sa ilalim ng Blank Pages Productions at Viva Films, mapapanood na nationwide sa October 25 ang “The Barker” ni Director Dennis Padilla na pinagbibidahan nina Empoy at Shy Carlos.

Source link

0 SHARE

Post Comments