Espenido, natuwa sa pananatili sa Ozamiz-PNP; mga residente nagbunyi

     3 months ago
21
Leave a Comment
3 SHARE

CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinatuwa ni Ozamiz City Police Station commander C/Insp. Jovie Espenido ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag muna siyang ilipat sa Iloilo City.

Inamin ni Espenido na labag sa kaniyang kalooban ang pagka-reassign sa Iloilo City lalo pa’t hindi pa siya tapos sa pagtugis sa natitirang mga kasapi ng Parojinog criminal group na nasa likod ng mga kriminalidad sa Misamis Occidental at ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Espenido, nababahala rin siya sa seguridad ng mga witness laban sa mga Parojinog kung kaya’t ayaw muna niyang iwan ang nasabing lugar.

Sinabi nito na iiwan lamang niya ang Ozamiz sa oras na mahuli na si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog at isang pamangkin nito.

READ  DOTr Usec. Chavez nagbitiw dahil sa aberya ng MRT-3

Samantala, nagbunyi naman ang mga residente ng Ozamiz sa pagbawi ni Duterte sa re-assignment ni Espenido.

Ayon pa sa vocal critic ng mga Parojinog na si Pastor Nathaniel Dinoro Jr., hindi na matutuloy ang plano nilang “People’s Power” at lubos na nagpapasalamat ito kay Pangulong Duterte.

Sa ngayon, nais ng mga residente na maliban sa pagpuksa ng droga, maging pokus din ni Espenido na sugpuin ang korupsyon sa kanilang lugar.

Source link

Post Comments