EU leader maayos na hinarap, tinanggap ni Duterte sa ASEAN-EU Summit

     1 week ago
15
Leave a Comment
10 SHARE

Mainit na tinanggap at hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinatawan ng European Union (EU) na si European Council President Donald Tusk sa ASEAN-EU 40th Commemorative Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Magugunitang inabangan ang paghaharap ni Pangulong Duterte sa opisyal ng EU na madalas nitong murahin at tuligsain dahil sa kanilang pagpuna sa extra-judicial killings sa Pilipinas bunsod ng anti-drug war ng Duterte administration.

Katunayan nagsabi na rin si Pangulong Duterte na hindi na raw tatanggap ang bansa ng anumang grant o financial assistance mula sa EU.

Sa kanyang opening remarks, malugod na tinanggap ni Pangulong Duterte si Pres. Tusk at kinilala ang matagal ng ugnayan ng ASEAN at EU na ginugunita ngayon ang ika-40 anibersaryo ng pagiging dialogue partners.

READ  Bishop Bastes kay Duterte: Holy at Mystic persons lang ang may pribilehiyong makausap ang Diyos

Sinabi ni Pangulong Duterte, naging makabuluhan ang ASEAN-EU partnership na nagresulta sa maraming trade at investment sa rehiyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, ngayon ay babalikan at rebyuhin kung ano na ang naging bunga at pakinabang sa ASEAN-EU dialogue partnership makalipas ang apat na dekada.

Sa panig naman ni President Tusk ng EU, kanya ring kinilala ang mabungang 40 taong ugnayan ng ASEAN-EU.

Iginiit nito ang kahalagahan ng pagpapaigting sa kooperasyon ng dalawang regional bloc sa paglaban ng terorismo, radicalization at iba oang banta ng seguridad mula sa mga extremists groups.

Bagama’t hindi pinalawig, binigyang diin naman ni Tusk ang kahalagahan ng pagpapatupad at pagkilala sa rule of law at proteksyin ng human rights.

READ  Number coding scheme, hindi sususpindehin sa ASEAN Summit

Wala ring agarang reaksyon si Pangulong Duterte sa nabanggit na salita o pahayag na ito ni Tusk na laging mistulang nagpapanting sa kanyang tenga pagkarinig.

Source link

Post Comments