Ex-football star OJ Simpson, laya na

     3 months ago
23
Leave a Comment
8 SHARE

 

 

Makalipas ang siyam na taong pagkakakulong, laya nang muli ang dating American football star na si OJ Simspon.

Si Simpson ay nakulong matapos masangkot sa armed robbery noong 2007 ng dalawang sports memorabilia dealers sa isang Las Vegas resort.

Ngunit bago pa man ito, naging kontrobersyal na ang atleta matapos maakusahang sangkot sa pagpatay sa kanyang dating asawa na si Nicole Brown Simpson at kaibigan nitong si Ron Goldman noong 1995.

Sa tinaguriang ‘trial of the century’ naabswelto si Simpson at napalaya.

Kahapon, lumabas ng Lovelock Correctional Center sa Nevada si Simpson.

Balak umano nito na pansamantalang manirahan sa Florida matapos makalabas ng kulungan makalipas ang siyam na taon./Jay Dones

READ  Expanded US role in Marawi unlikely – Palace | News5

Excerpt: Naging kontrobersyal na si Simpson matapos maakusahang pumatay sa kanyang dating asawa noong 1995.

 

Source link

8 SHARE

Post Comments