Ex-Sen. Estrada aminado na tinangka siyang aregluhin ng emisaryo ng Ombudsman

     3 weeks ago
50
1 Comment
47 SHARE

Naniniwala si dating Senador Jinggoy Estrada na mayroong kurapsyon sa Office of the Ombudsman.

Sa isang ambush interview kay Estrada, sinabi nito na siya mismo ay nakaranas na alukin para magbayad sa Ombudsman kaugnay sa kanyang kaso.

Mayroon anyang emisaryo ang lumapit sa kanya at humingi ng pera kapalit ng pagpapababa ng kanyang kaso.

Sa halip anya na plunder sinabi ng emisaryo na gagawing graft na lamang ang kanyang kaso.

Hindi anya siya pumayag dahil malinis ang kanyang konsensya na wala siyang ginawang katiwalian kaya sinabihan niya ang emisaryo na ituloy na lamang ang kaso.

Source link

READ  Robredo, imbitado sa Miss Universe 2016 ayon sa DOT; pero imbitasyon, hindi tinanggap
47 SHARE

Post Comments