Ex-Sen. Jinggoy Estrada, laya na

     3 months ago
14
Leave a Comment
0 SHARE

(Update) Nakalaya na si dating Sen. Jinggoy Estrada matapos matanggap ang release order ng Sandiganbayan hinggil sa piyansa sa kasong graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Kung saan dumating sa Camp Crame PNP custodial center ang abogado nito na si Atty. Alexis Suarez at sheriff ng Sandiganbayan matapos makapag-piyansa ng P1.3 milyon ang dating senador.

Bago lumabas ay sinuri muna ng doktor mula sa PNP General Hospital si Estrada bilang parte ng final check up.

Naroon naman para sumalubong sa kanya ang anak na si San Juan Vice Mayor Janella Ejercito Estrada.

Agad na tumungo sa Sandiganbayan si Jinggoy para tapusin ang kanyang bailing procedure.

READ  Bayabao Bridge sa Banggolo, Marawi nabawi na ng militar

Dakong alas-10:00 nitong umaga isumite ng mga abogado ni Jinggoy ang piyansa sa Sandiganbayan, kung saan ilang mga taga-suporta ang dumating para magpaabot ng kanilang tuwa sa pagkaka-bail ng dating senador.

Una rito, magugunita na pinayagan ng anti-graft court na makapag-bail si Estrada kapalit na pansamantalang makalaya, matapos mapag-alamang hindi sapat ang ebidensya sa mga akusasyon sa kanya hinggil sa pork barrel scam.

Source link

0 SHARE

Post Comments