Ex-vice mayor sa Cagayan, patay sa ambush sa Tuguegarao City

     3 weeks ago
24
Leave a Comment
3 SHARE

TUGUEGARAO CITY – Patay ang dating vice mayor ng Amulung, Cagayan matapos na barilin kaninang pasado alas-6:00 ng umaga sa Tuguegarao City

Sa paunang pagsisiyasat ng PNP,  lumalabas na binabagtas ni Alexander Pascual ang pambansang lansangan sakay ng motorsiklo sa harap ng gusali ng Department of Education Region 2 nang arilin siya ng riding in tandem suspects.

Nagawa pa ng biktima na mapatakbo ang kanyang motosiklo ng ilang metro matapos ang pamamaril bago siya natumba at bawian ng buhay.

Ayon sa PNP, walang nakakita sa pamamaril kay Pascual subalit nakarinig ng mga putok ng baril ang mga tao na nasa lugar nang mangyari ang insidente.

READ  6.3-M katao sa Florida, pinalilikas dahil sa Hurricane Irma

Sa ngayon ay nasa punerarya na sa Tuguegarao City ang labi ng biktima.

Inaalam na rin kung ano ang motibo at kung sino ang mga salarin.

Source link

Post Comments