EXCLUSIVE: Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Makati City

     2 months ago
32
Leave a Comment
5 SHARE

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng umano’y riding-in-tandem sa Makati City.

Pinagbabaril ang biktima na kinilalang si Kenneth C. De Dios, trenta’y tres anyos, sa bahagi ng ABC St. Corner Vito Cruz sa Barangay La Paz.

Ayon sa panganay na kapatid na si Jenalyn D. Censon, nagpaalam lang ang biktima sa kanilang nanay na nakatira sa Barangay San Andres na may ihahatid na baterya ng motorsiklo sa isang kausap sa telepono nang biglang mangyari ang insidente.

Dalawa umano ang tinamong tama ng bala sa ulo ng biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Samantala, pagtataka pa ng kapatid, walang naiwan na motorsiklo na gamit ng biktima sa pinangyarihan ng krimen.

READ  Former Presidential Assistant accuses Hontiveros of treason for Maute speech: "She has been taken by Satan"

Sinabi din umano ng iba pang mga kapatid nila sa bahay na may kasamang kapitbahay ang biktima na kaparehong miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity.

Wala naman aniyang nakikitang posibleng dahilan ang mga kaanak na nakaalitan ng biktima dahil puro mabubuti ang nasasabi ng kanyang mga kaibigan.

Sa ngayon, pinaghahanap pa ang sinasabing kasama ng biktima nang paputukan sila ng mga suspek.

Panawagan naman ng kapatid, makonsensiya sana ang salarin sa pagkamatay ng biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.

Source link

5 SHARE

Post Comments