Expose ni Trillanes ‘di ugnay sa pagbaba ng survey rating ni Duterte – Panelo

     2 weeks ago
12
Leave a Comment
2 SHARE

CEBU CITY – Pinabulaanan ni chief legal counsel Atty. Salvador Panelo, ang mga ispekulasyon na kaya umano bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa mga expose ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa kanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Panelo, sinabi nito na walang kaugnayan ang mga alegasyon ni Trillanes laban sa Presidente dahil wala naman umanong naniniwala sa senador.

Tinawag din ni Panelo na isang “wishful thinking” lamang ng mga kritiko ng administrasyon ang sinasabing senyales na umano ito ng pagbagsak ng administrasyon ni Duterte.

Aniya, ang 67 percent na satisfaction rating ng pangulo ay mataas pa rin dahil katumbas umano ito ng 67 million na mga Pilipino na sang-ayon sa pamamahala ng Pangulo.

READ  Lacson: BOC collects up to P71,700 tara for each shipment smuggled in PH

Dagdag pa nito na hindi naman interesado si Pangulong Duterte sa mga lumalabas na rating, kahit pa na bumagsak o tumaas ang resulta nito.

Giit pa ni Panelo na patuloy umanong gagawin ng Pangulo ang kanyang trabaho kahit pa na mayroong kokontra sa pamamaraan nito lalong lalo na sa war on drugs na siya namang nakikita nitong makakasalba sa sambayanang Pilipino.

Una nang sinabi ng presidential chief legal counsel na ang mga naging sunud-sunud na insidente ng pagpatay sa mga menor de edad ang siyang nakikitang dahilan nila sa pagbaba ng rating ni Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments