Expose’ ni Trillanes luma na ayon sa kampo ni Vice Mayor Duterte

     3 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

Minaliit ng kampo ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang naging rebelasyon ni Sen. Antonio Trillanes sa pagdinig ng Senado kaugnay sa P6.4 Billion na shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.

Ayon kay Atty. Rainier Madrid, abogado ni Vice Mayor Pulong, isang attack dog at propagandista lamang si Trillanes kung kaya hindi ito dapat paniwalaan.

Paliwanag ni Madrid, pawang mga malisyoso at walang basehang alegasyon ang mga inilabas ni Trillanes sa hearing para sirain ito sa publiko pati na ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Madrid, lumang issue na umano ang mga bank accounts at maging ang mga ipinakitang larawan ni Trillanes nina Pulong kasama sina Kenneth Dong at Charlie Tan

READ  Panibagong oil price hike kasado na bukas

Dagdag pa ni Madrid, kung nagtagumpay umano si Trillanes na wasakin si dating vice president Jejomar Binay hindi sila papayag na ipahiya ang kanyang kliyente na si Pulong sa publiko.

Source link

0 SHARE

Post Comments