Facebook nakakaranas ng aberya – DZIQ Radyo Inquirer 990AM

     2 months ago
14
Leave a Comment
2 SHARE

 

Nakararanas ng ‘downtime’ o aberya sa iba’t ibang panig ng mundo ang ‘Facebook.

Trending ngayon sa Twitter ang hashtag Facebook down (#facebookdown) dahil sa maraming reklamo ng mga netizens sa Amerika, Europa at Pilipinas na hindi magamit nang maayos ang kanilang mga account.

Dito sa Pilipinas, maraming mga netizens ang hindi ma-access ang marami sa mga features ng Facebook tulad ng pag-upload o pag-post ng mga larawan samantalang ang iba naman ay hindi ma-access sa kabuuan ang kanilang personal account.

Gayunman, nagagamit naman ng normal ang mobile version ng FB sa cellphone.

Bukod sa Facebook, nakakaranas din ayon sa ilang mga netizens ng aberya ang Instagram sa kasalukuyan.

READ  Trillanes pumalag sa pagkaka-ugnay sa planong kudeta

Source link

2 SHARE

Post Comments