Father Suganob, nasa biyahe na pa-Maynila

     3 months ago
28
1 Comment
155 SHARE

Matapos ma-rescue mula sa kamay ng ISIS inspired Maute terror group, bumiyahe patungong Maynila si Father Chito Suganob.

Ala 1:30 ng hapon ngayong araw ng Lunes, Sept. 18, nakatakdang magpatawag ng press briefing ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Posibleng iharap sa media si Father Suganob sa nasabing press briefing.

Si Suganob binihag ng Maute mula pa noong unang araw na kubkubin ng mga terorista ang bahagi ng Marawi City noong May 23.

Magugunitang sa naging pahayag ng mga bihag na nauna nang nakatakas, si Father Suganob ay ginawa tagaluto at utusan ng mga terorista sa panahon ng kaniyang pagkakabihag.

READ  'High profile inmates na tumestigo laban kay De Lima, inalok ng P100-million kapalit ng pagbawi sa testimonya' -Aguirrre

Nitong weekend, lumabas ang balita na nailigtas ang pari kasama ang isa pang bihag na guro makaraang makubkob ng mga sundalo ang Nato Mosque na kasama sa pinagkutaan ng mga kalaban.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

155 SHARE

Post Comments