‘Firecrackers ban ng Davao, sana gayahin sa buong Pilipinas ayon sa DOH

     12 months ago
126
Leave a Comment
75 SHARE

Puring-puri ng Department of Health (DOH) ang ginagawang hakbang taun-taon ng Davao City kaugnay sa pagsalubong sa bagong taon.

Inamin sa Bombo Radyo ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, gusto nilang pamarisan ng buong Pilipinas ang epektibong pagpapatupad ng Davao city ng total ban sa firecrakes na nagsimula sa ilalim noong mayor pa ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa halip na pagpapaputok, taun-taon ay isinasagawa sa siyudad ng Davao ang torotot festival na nasa ika-10 na ngayon.

Ayon kay Ubial, ginagawa nilang ehemplo ang Davao City para isulong ang total ban ng paputok sa buong Pilipinas.

Pero sa kabila nito hindi agad-agad nila itong naipatupad ngayong taon dahil sa maaapektuhan din ang negosyo sa sektor sa bansa na nakadepende lamang sa firecrackers industry.

READ  CPP-NPA-NDF, tinawag na ‘terorista’ ni Pangulong Duterte

Kailangan umano ang sapat na panahon sa mga negosyante.

Sa ngayon, ipatutupad muna nila ang regulated use ng firecrackers.

Kabilang sa programa ay ang paghikayat sa mga local government units na siyang manguna sa pagkakaroon ng community fireworks display para hindi magpaputok ang mga residente sa mga bahay-bahay.

Aniya, pagkatapos sa pagsalubong mamaya sa bagong taon ay magkakaroon sila ng assessment kung bababa ba talaga ang mga naputukan o sugatan.

Dito rin nila malalaman kung itutuloy na sa susunod na taon ang pagpapatupad ng panukalang total ban sa firecrackers sa buong bansa.

Noong nakaraang taon nakapagtala ang DoH ng kabuuang 932 cases ng injuries nationwide mula December 21, 2015 hanggang January 5, 2016.

READ  Duterte: The role of my first lady is "magkabit ng kulambo"

Sinasabing ito ay mas mataas ng 72 cases (8%) kumpara noong taong 2014 (860 injuries).

Samantala sa kabuuang 932 na mga sugatan, nasa 920 (98.7%) ay dahilan sa fireworks, habang nasa 10 (1.1%) naman ang may kinalaman sa stray bullets, at dalawa ang (0.2%) naitala na firecracker ingestion.

Meron namang nasawi dahil sa paggamit ng malakas na paputok na tinaguriang “good-bye Philippines.”

75 SHARE

Post Comments