Fr. Chito Suganob, na-rescue na sa kamay ng mga Maute – Dureza; AFP: biniberipika pa

     2 days ago
10
Leave a Comment
0 SHARE

Na-rescue na umano ng tropa ng pamahalaan si Father Teresito “Chito” Suganob kasama ang isa pang bihag ng Maute Group sa Marawi City.

Kinumpirma ito mismo ni Chief presidential peace adviser Jesus Dureza sa panayam ng Bombo Radyo.

Nauna nang sinabi ni Dureza sa kanyang Facebook post na ang update raw na ito ay ipinaabot sa kanya ng kanyang staff mismo sa Office of the Presidential Peace Adviser na nakabase sa Iligan City.

Aniya, na-rescue si Suganob alas-11:00 kagabi malapit sa Bato Mosque.

“For info sir father Chito Suganob together with one other was rescued by troops near Bato mosque at ooa 162300hsept2017. This is the 2nd grand mosque in Marawi that has been taken over by our troops. To those who would wish to get more details, pls wait for the official announcement coming from the AFP and or the Palace in order not to jeopardize the ongoing mil operations,” bahagi ng Facebook post ni Dureza.

Nabatid na napilitan ang teroristang grupo na abandonahin ang Bato Mosque sa Marawi City, isa sa tatlong strongholds ng kalaban na nabawi ng gobyerno sa nakalipas na mga araw, dahil sa pinaigting na operasyon ng militar.

Kung maaalala, Mayo 23 pa nang sapilitang tangayin ng mga Maute sina Fr. Suganob, ang parish secretary nito, at nasa 10 parishioners.

Samantala, nanawagan naman si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año sa natitira pang mga miyembro ng Maute Terror Group at maging sa hostages na ginawang Maute fighters ng grupo, na makipag-ugnayan sa militar at sumuko na lamang.

“We urge nt remaining terrorist, especially former hostages turned fighters, to endeavor to communicate with the military surrender while they still have time,” ani Año.

Sa ngayon aniya ay hinihintay pa rin nila ang official report hinggil sa report na nailigtas na ang mga bihag ng Maute Group.

Iginiit naman ni Col. Edgard Arevalo, chief ng Public Affairs Office ng AFP, na patuloy pa rin nilang bina-validate ang impormasyon hinggil sa pag-rescue kay Suganob.

“We are still validating that information. As of now, we cannot still give details. The rescue operation is still ongoing,” saad ni Arevalo.

Sa kasalukyan ay inilunsad na ng militar ang kanilang final push patungo sa Marawi Battle Area. (with reports from Bombo Reymund Tinaza, Bombo Analy Soberano and Star FM Zamboanga)

Source link

Post Comments