‘Fruitful’ 2017, New Year’s wish ni Duterte sa Ph

     10 months ago
182
Leave a Comment
58 SHARE

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na maging katuwang ng gobyerno sa mga programa ng pamahalaan.

Sa kanyang kauna-unahang New Year’s message bilang pangulo, inimbitahan ni Duterte ang taumbayan na tumulong sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, kriminalidad at korapsyon.

Gayundin aniya sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran ng Pilipinas.

Bukod dito, hinihikayat din ng Pangulo ang publiko na tumulong sa pagpapasigla ng business environment sa bansa.

Paliwanag ni Duterte, sa pamamagitan ng pag-attract sa mga investments at paggawa ng mga trabaho para sa Pilipino, magiging option na lamang sa hinaharap ang pagtrabaho sa ibang bansa at hindi na bilang pangangailangan.

READ  Duterte inaming pinigil pagbomba sa mosque; pero ngayon nasa militar na opsyon sa Marawi ops

Samantala, wish naman ng Pangulo sa mga Pilipino ang isang ‘fruitful’ at ‘meaningful’ na Bagong Taon.

Kasabay nito ay ang paghikayat din niya sa publiko na salubungin ang 2017 na may panibagong determinasyon at “reinvigorated spirit” upang mapagtagumpayan naman aniya ang mga naka-amba na mga pagsubok sa hinaharap.

58 SHARE

Post Comments