Gabinete at gov’t branches, kokonsultahin ni Duterte bago ang resumption ng peace talks

     3 months ago
18
Leave a Comment
0 SHARE

Iginiit ngayon ng Malacańang na kailangan munang konsultahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng security cluster sa gabinete kaugnay sa posibleng pagbabalik ng formal peace talks sa CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front).

Pahayag ito ng Malacañang kasunod ng naging mensahe ni Pangulong Duterte kahapon na hindi siya tutol sa peace talks resumption sa mga komunista at ito ay nakadepende sa kanila.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kasabay ng pagpapalaya ng NPA sa hawak nilang pulis na prisoner of war (POW) sa Davao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mahalagang makuha ni Pangulong Duterte ang opinyon ng kanyang gabinete dahil konsiderasyon ang maraming buhay na nawala at mga civilian at government properties na sinira ng mga rebelde sa pagbabalik ng peace negotiation sa CPP-NPA-NDF.

READ  Bagong alkalde ng Iloilo City, nanumpa na

Ayon kay Abella, kailangan ding mkausap ng pangulo ang ibang sangay ng gobyerno hinggil sa mga bagay na nangangailangan ng kanilang consent o approval.

Sa kabila raw ng matibay na posisyon ni Pangulong Duterte na protektahan ang bansa mula sa karahasan at terorismo, nananatili ang kanyang hangaring makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng pagtugon sa social injustice na siyang ugat ng giyera o hidwaan.

“To resume talks necessitates President Duterte to consult first with the members of his security cluster, considering the many lives lost, civilian and government property destroyed before returning to the negotiating table with the CPP/NPA/NDFP. The President likewise has to confer with the other branches of government regarding matters require their consent/approval. In spite of PRRD’s firm position to protect the nation from violence and terrorism, his fundamental goal is sustainable and lasting peace; which in this case begins with addressing the social injustice as the historical root of conflict,” ani Abella.

READ  House verifying info on lawmakers in Duterte’s ‘drug list’

Source link

Post Comments