Gabriela sa pagbagsak ng satisfaction rating ng pangulo: Publiko, napagtanto nang ‘Change is not coming’

     2 weeks ago
184
201 Comments
3.1k SHARE

 

Unti-unti nang napagtatanto ng taumbayan na walang pagbabagong magaganap sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, taliwas sa naipangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nangangampanya pa lamang ito.

Ito ang reaksyon ng Gabriela Women’s Partylist sa pagbulusok ng net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling resulta ng SWS survey.

Ayon kay Rep. Emmi De Jesus, maraming naging palpak na hakbang na tinahak ang pangulong Duterte tulad na lamang ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao, at ang mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.

Kasama rin aniya rito ang tila pagkampi pa ng pangulo sa mga pulis na nasasangkot sa mga kontrobersiya tulad ng mga kaso ng kuwestyunableng pagpatay.

READ  Aquino family has close ties with SMARTMATIC owner

Lalo pa aniyang lumala ang sitwasyon dahil tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin na labis na nakakaapekto sa buhay ng ordinaryong mamamayan.

Matatandaang si De Jesus na dating miyembro ng Makabayan bloc ay kumalas sa supermajority ng administrasyon noong Setyembre.

Source link

3.1k SHARE

Post Comments