Gambling tycoon Jack Lam pinapa-aresto ni Duterte

     11 months ago
465
Leave a Comment
137 SHARE

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay gambling tycoon Jack Lam dahil sa umano’y bribery at economic sabotage.

Magugunitang si Jack Lam ay inaakusahan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ng tangkang panunuhol para palayain ang 1,316 Chinese nationals na naaresto sa iligal na pagtatrabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Pampanga.

Ang nasabing casino ay isa lamang sa mga pasugalang pagmamay-ari ni Jack Lam.

Sinabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa isang panayam sa radyo, batay sa utos, nais daw ng Pangulong Duterte na maaresto ang gambling tycoon sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Dela Rosa, bagama’t walang standing warrant of arrest mula sa korte, gagawan na lang daw nila ng paraan para maging ligal ang pag-aresto kay Jack Lam gaya ng pag-invoke ng pagiging continuing offense ng bribery at economic sabotage kaya isasagawa ang hot-pursuit operation.

READ  GROUNDS FOR MARTIAL LAW | SolGen cites ‘foreign invasion’ by terrorists | News5

Magugunitang mismong si Aguirre ay nagsabing hindi niya kakasuhan si Lam dahil hindi raw maaaring litisin ang gambling tycoon nang dahil lamang sa persepsyon at walang act of bribery.

“Hanapan natin ng paraan siguro ‘yung kanyang kaso ay continuing offense at pwede pa ma-invoke natin hot-pursuit operation sa kanyang ginawang bribery at economic sabotage,” ani Gen. Bato.

Source

Post Comments