Gamit sa paggawa ng IED, nasabat ng mga sundalo sa Maguindanao

     2 weeks ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

 

Narekober ng mga sundalo ang ilang mga gamit sa paggawa ng improvised explosive device (IED), high-powered na mga armas, at mga hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na operasyon laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon sa tagapagsalita ng 6th Infantry Division na si Captain Arvin John Encinas, sinusundan ng 19th at 6th Infantry Battalion ang 20 miyembro ng BIFF nang matagpuan nila ang mga bomb-making components at shabu.

Partikular na natagpuan ang mga ito sa border ng Barangay Kuden sa bayan ng Talitay at sa Barangay Brar sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang na kapwang nasa Maguindanao.

READ  Pasok ng mga gov't offices sa Metro Manila, Reg. 3 at Calabarzon kinansela dahil kay 'Maring'

Ayon kay Encinas, rumespunde ang mga sundalo matapos ang natanggap na mga ulat ng mga sibilyan patungkol sa presenya ng mga grupo ng ISIS-inspired local terrorist sa lugar.

Samantala, nakasagupa naman ng pinagsamang pwersa ng 22nd Mechanized Infantry Battalion at 57th Infantry Battalion ang mga BIFF habang nagsasagawa ng pursuit operation sa Barangay Alongangen sa bayan ng Datu Piang.

Dito naman narekober ng mga sundalo ang isang mataas na kalidad ng kalibre singkwenta na sniper rifle.

Pinapurihan naman ni Major General Arnel dela Vega na commander ng 6th Infantry Division ang mga residente dahil sa kanilang pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga BIFF.

READ  Clark airport to remit P38M to national treasury | News5

Source link

0 SHARE

Post Comments