Gang War sa Caloocan, 8 patay

     10 months ago
685
Leave a Comment
43 SHARE

Umabot sa walo ang napatay sa Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan dahil umano sa gang war.

Agad na binawian ng buhay o ang limang indibidwal habang dead on arrival sa Tala Hospital ang dalawa.

Isa naman ang patuloy na nilalapatan ng lunas.

Sa imbestigasyon, apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang pumasok sa eskinita sa bahagi ng Blk 17, Phase 8A, Package 14 North Caloocan.

Nagsilbing look out umano ang dalawa habang ang dalawang lalaki ang bumaril sa mga biktima dakong alas 9:00 ng gabi.

Patay sa mismong pinangyarihan ng krimen sina Jonel Segobia 15, Sonny Espinosa, 16, isang alyas Emi at magbiyenan na sina Cristina Santur at Annalyn na ilang buwang buntis.

READ  MEL STA. MARIA | Are the cases filed vs. ex-President Aquino III worth prosecuting? | News5

Maging ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay nasawi din.

Na isugod naman sa Tala hospital sina Kenneth Lim 16 at Noynoy Santur, 21 na idineklarang DOA habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang isang Edward, 18.

Ayon kay Laudencio Ramos purok leader, malaking problema sa kanilang lugar ang mga riot na kinasasangkutan ng mga kabataan.

Maaari umanong gumanti ang kaaway na grupo nitong mga nasawing kabataan.

Hindi naman umano nasangkot sa illegal na droga ang mga biktima.

Source

43 SHARE

Post Comments