Gen. Bato at Atty. Acosta, naiyak sa Senate probe sa alegasyong may policy nang pagpatay

     3 months ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

Muling naging emosyunal si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagharap sa Senate inquiry ukol sa pagpatay kina Kian delos Santos at Carl Arnaiz.

Sa pagtatanong ni Sen. Risa Hontiveros, naging punto niya ang umano’y polisiya ng PNP ukol sa malawakang pagpatay sa mga pinagbibintangang dawit sa iligal na droga.

Hindi napigilan ni Dela Rosa na sumabat kay Hontiveros upang depensahan ang kanilang organisasyon.

Giit ng pinuno ng PNP, walang direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay kung saan kahit mamatay pa siya ngayon, ginagarantiyahan niyang walang polisiya ng pagpatay sa ating lipunan.

“Andyan si Lord, nakikita niya. I’m willing to go back to Davao City ‘pag na-prove mo ‘yan… You know me personally, your honor. ‘Di ako papayag na gagamitin ang pulis sa masama,” wika ni PNP Chief Dela Rosa.

READ  5 miyembro ng pamilya patay, pati 3 bata sa sunog sa Agusan del Sur

Kahit pa nga raw mamatay siya sa pagkakaupo niya sa Senate hall kung totoong inutusan ng pangulo ang pambansang pulisya na pumatay nang pumatay.

“Mamatay man ako, walang sinabi sa akin si presidente na pumatay kayo nang pumatay,” dagdag pa ng pinuno ng PNP.

Nabanggit tuloy ni Hontiveros na may nasabi ang Public Attorney’s Office (PAO) na may tila pattern na ng ganitong mga kaso.

Pero agad na itinanggi ni PAO Chief Persida Acosta na sila ang pinanggalingan ng ganoong pahayag.

Bandang huli, naging emosyunal na rin si Acosta sa pagdipensa sa mga pulis.

Source link

Post Comments