‘Girlfriend’ ng Las Vegas shooter na si Marilou Danley, hawak na ng FBI

     2 months ago
30
Leave a Comment
9 SHARE

 

Kumpirmadong nakabalik na sa Los Angeles, USA ang 62-taong gulang na si Marilou Danley, ang sinasabing ‘girlfriend’ ng Las Vegas gunman na si Stephen Paddock na namaril at nakapatay sa 59 katao sa Las Vegas strip kamakailan.

Ayon sa ulat, dumating si Danley sa Los Angeles International Airport (LAX) kagabi, lulan ng Philippine Airlines flights PR 102.

Agad itong sinalubong ng mga kasapi ng Federal Bureau of Investigation at inilabas ng aliparan habang lulan ng wheelchair.

Umaasa ang mga otoridad na makapagbibigay si Danley ng linaw sa posibleng motibo ng gunman na si Paddock sa likod ng karumal-dumal nitong pamamaril sa mga nanonood ng country concert sa Las Vegas habang nasa ika-32-palapag ng Mandalay bay.

READ  WATCH | Marawi residents come out of hiding, jump from roofs during quick rescue ops | News5

Gayunman, nilinaw ng mga otoridad na hindi ‘under arrest’ si Danley.

Kamakailan, isiniwalat rin ng Las Vegas Metropolitan Police Department na ilang araw bago ang krimen, nag-wire transfer pa ng $100,000 si Paddock kay Danley habang namamalagi ito sa Pilipinas.

Si Danley na tubong Pilipinas ay kasalukuyang isa nang Australian citizen.

Gayunman, ilang araw bago ang pamamaril ni Paddock, ay umuwi ito ng Pilipinas.

Source link

9 SHARE

Post Comments