Gobyerno aasahang transparent sa Marawi rehab funds – Palasyo

     1 month ago
15
Leave a Comment
3 SHARE

Tiniyak ng Malacañang na magiging transparent ang gobyerno sa lahat ng reconstruction and rebuilding effort na isasagawa sa Marawi City.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, isang araw pagkatapos ianunsyo ni Pangulong Rpdrigo Duterte ang paglaya ng Marawi ay kaagad silang nagsawa ng pagpupulong para ilatag ang gagawing pagsasaayos sa lungsod.

Ayon pa kay Andanar, maglulunsad sila ng “Bangon Marawi Hour” para mai-report sa sambayanan ang “day-to-day updates” sa rehabilitasyon ng Marawi.

Tiniyak ng kalihim na hindi matutulad ang Marawi sa naging karanasan ng mga lugar na naapektuhan noon ng bagyong Yolanda kung saan nagkaroon ng pagkaantala sa mga rehabilitation efforts.

READ  CBCP nanawagan sa publiko na muling bumalik sa EDSA

Sa ngayon, patuloy aniya ang pagtanggap ng gobyerno sa mga donasyon mula sa mga nais magbigay ng tulong pero nilinaw ni Andanar na kahit wala ang mga nasabing ayuda ay kaya pa rin itong isagawa ng pamahalaan.

Source link

Post Comments