‘Grounds’ ng impeachment vs Sereno, tutukuyin ng Kamara kung ‘sufficient’

     2 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Tutukuyin ngayon ng House Justice Committee kung sufficient ang grounds ng reklamong impeachment ni Atty. Lary Gadon kontra Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, ikukonsidera nila sa prosesong ito ang inihaing reply at rejoinder nina Gadon at Sereno.

Sinabi ni Umali na sa oras na matukoy na sufficient ang grounds ng impeachment complaint, sunod nilang ididitermina kung may probable cause ito.

Kapag matukoy naman na may probable cause, sunod na gagawin ay ang Articles of Impeachment na siyang ipapadala naman sa Senado.

Matatandaan na Setyembre 14 nang ideklara ng komite na sufficient ang form at substance ng reklamong ito ni Gadon.

READ  Duterte: 'I have decided to cut talks with NPA'

Inaakusahan ni Gadon si Sereno nang paglabag umano ng Saligang Batas, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.

Source link

Post Comments