Grounds sa impeachment complaint vs Sereno, ‘sufficient;’ nabasurang reklamo vs Bautista, pinagtibay

     2 weeks ago
25
1 Comment
7 SHARE

Chief Justice Sereno

May sapat na basehan ang impeachment complaint kontra kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Sa botong 25-2, idineklara ng House justice committee na sufficient ang grounds sa impeachment complaint ni Atty. Lary Gadon laban sa punong mahistrado ng SC.

Sinabi ng komite na wasto ang apat na grounds na isinaad ni Gadon sa kanyang reklamong impeachment, na mayroong 27 alegasyon laban kay Sereno.

Inaakusahan ni Gadon si Sereno ng umano’y culpable violation of the Cobstitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.

Samantala, inaprubahan naman ng parehong komite ang report at kasama nitong resolusyon na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Comelec Chair Bautista

Ito’y matapos na 26 na miyembro ng komite ang bumoto sa mosyon ni Misamis Occidental Representative Henry Oaminal na aprubahan ang committee report at resolusyon.

Tanging dalawang committee member lamang ang tumutol dito.

Una nang ibinasura ang reklamong impeachment nina dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio matapos itong idineklarang insufficient in form at substance

Kabilang sa mga alegasyon ng naturang mga complainant laban kay Bautista ay betrayal of public trust, corruption, other high crimes at culpable violation of the Constitution.

Source link

READ  Renato Reyes pinagsigawan na isang Diktador at Tyranny si Duterte sa Luneta

Post Comments