Halos 500 sugatan sa marahas na dispersal sa Catalonia, Spain

     3 weeks ago
16
Leave a Comment
0 SHARE

 

Umakyat na sa 465 ang bilang ng mga nasugatan sa marahas na dispersal ng mga pulis sa grupo ng mga residente ng Catalolina, Spain na bumoboto para sa isang independence referendum, kahapon.

Ilang mga riot police ang pinasok ang mga voting precincts at pinagtataboy ang mga mga botante sa pagsisikap na pigilin ang pagsasagawa ng botohan.

Ang ilan, nasaktan makaraang paputukan ng mga rubber bullet ng mga pulis na nagtangkang pigilin ang botohan para sa independence referendum.

Sa independence referendum, pagobobotohan kung nais ng publiko na tuluyang humiwalay ang Catalonia mula sa Espanya.

Gayunman, sa desisyon ng hukuman sa Spain, idineklarang iligal ang pagsasagawa ng referendum kaya’t tinatangka itong pigilin ng Madrid.

READ  Senators: ex-BI officials' story on alleged P50-M bribe 'hard to believe'

Ang Catalonia at isang mayamang rehiyon sa northeastern part ng Spain na may sariling regional government.

Gayunman, nais nitong humiwalay sa Espanya na mariing tinututulan ng national government.

Source link

0 SHARE

Post Comments