Hazing suspek sa pagkamatay ni Castillo na si Trangia pabalik na sa bansa

     2 months ago
22
Leave a Comment
0 SHARE

Pabalik na sa bansa ang isa sa mga suspek sa pagkamatay ng hazing victim na freshman law student Horacio Castillo III na si Ralph Trangia.

Ito ang kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre III base na rin sa impormasyon na ibinahagi sa kaniya ng Bureau of Immigration.

Dagdag pa nito na mula sa America ay dadaan ito sa Taipei lulan ng EVA Air flight BR271 na darating pasado alas- onse ngayong umaga.

Tiniyak naman ni Aguirre na kanilang agad na-i-sesecure ito kapag dumating na ito sa bansa.

Matatandaan na umalis si Trangia kasama ang ina nitong si Rosemarie patungong Chicago noong Setyembre 19 isang araw matapos na ilagay ng DOJ kasama ang ibang mga suspek sa immigration lookout bulletin.

READ  Palasyo: Walang 'white wash' sa Carl Angelo killing probe

Si Trangia na sergeant at arms ng Aegis Juris Fraternity ay kabilang sa 18 kinasuhan ng Manila Police District dahil sa pagkamatay ni Castillo noong Setyembre 17.

The post Hazing suspek sa pagkamatay ni Castillo na si Trangia pabalik na sa bansa appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments