Health Sec. Ubial, rejected na rin ang appointment sa CA

     2 weeks ago
13
Leave a Comment
2 SHARE

Rejected na rin sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial.

Ito’y makaraang makakuha si Ubial ng 13 “no votes” mula sa mga miyembro ng CA.

Una rito, tumayong oppositor sa confirmation hearing si dating Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at chief executive officer (CEO) Hildegardes Dineros.

Giit kasi ni Dineros, nagsinungaling ang kalihim sa pagharap nito sa CA nang sabihing nagbitiw siya sa pwesto.

Paliwanag ng dating PhilHealth chief, pinuwersa siya ni Ubial na magbitiw at hindi kusang umalis.

Maliban dito, naging isyu rin ang dating panukala ng kalihim na mamahagi ng condom sa mga paaralan, na kalaunan ay binawi na rin dahil sa mga pagtutol.

READ  'Flirting Video' Umano Ni Maymay Entrata At Robi Domingo, Umani Ng Iba't-ibang Reaksyon Mula Sa Mga Netizens!

Si Ubial na ang ikalimang cabinet official ng Duterte administration na na-reject ng CA.

Unang nabasura ang appointment ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr.; sinundan ni Environment Secretary Gina Lopez; pangatlo si Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, habang pang-apat si dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Source link

Post Comments