Holdaper, arestado sa Payatas, Quezon City

     3 weeks ago
8
Leave a Comment
0 SHARE

Nasukol ng mga pulis ang isang holdaper na nambiktima ng isang driver sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Ayon mismo sa biktimang si Michael Senina, nilalakad niya ang kalsada ng Everlasting sa Payatas nang bigla siyang lapitan ng suspek nang makita nito na ginagamit niya ang kaniyang cellphone.

Paglapit ng suspek na nakilalang si RJ Mon Iringco, bigla na nitong sinaksak si Senina, na nagawa namang iwasan ng biktima.

Doon na nakuha ng suspek ang gamit ni Senina.

Gayunman, sariling ama naman ni Iringco ang nagsumbong sa kaniya sa barangay at mga pulis kaya siya naaresto.

Walang trabaho si Iringco na aminadong gumagamit rin ng iligal na droga.

Hindi naman napigilan ni Senina ang galit sa suspek na nagawa niya pang sapakin nang muli silang magpang-abot.

Source link

0 SHARE

Post Comments