Holiday sa Sept. 21 tuloy; Public schools at SUCs sa buong PH walang pasok

     3 months ago
60
Leave a Comment
0 SHARE

Inianunsyo na ng Malacañang ang nakatakdang pagsuspinde sa trabaho sa mga tanggapan sa gobyerno at klase sa lahat ng pampublikong paaralan at state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa sa Setyembre 21, araw ng Huwebes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, maglalabas ang Office of the Executive Secretary ng Memorandum Circular para sa nasabing work and classes suspension.

Ayon kay Abella, ang mga nasa pribadong sektor, pagawaan man o paaralang nasa lugar na maaaring maapektuhan ng mga kilos-protesta sa Setyembre 21, bahala na rito ang kanilang administrador.

Nilinaw din uli ni Abella na hindi holiday ang idedeklara ni Pangulong Duterte.

READ  Mga residente sa main battle area sa Marawi City, puwede nang bumalik sa December - AFP

Post Comments