HS Alvarez, kinasuhan ng libel ng opisyal ng PDP-Laban

     2 months ago
34
Leave a Comment
0 SHARE

 

Nahaharap ngayon sa kasong libel si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos niyang tawaging “may katok” o may kakulangan sa pag-iisip ang isang opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sa isinampang reklamo ni Cesar Cuntapay na isang retired police officer, sinabi niyang siniraan siya ni Alvarez sa isang newscast na inere noong August 30, 2017.

Dahil aniya sa “malicious imputation” ni Alvarez, naging tampulan siya ng panunukso, katatawanan at pamamahiya.

Maliban dito ay naapektuhan aniya ang kaniyang reputasyon, at ilang gabi siyang hindi nakatulog bunsod ng mga pag-aalala.

Nang hingan naman siya ng opinyon tungkol sa reklamo ni Cuntapay, sinabi ni Alvarez na hindi na dapat patulan pa ang ginawa nito.

READ  Social media post ukol sa umano’y ‘superbagyo’ na tatama sa bansa, ‘fake news’ ayon sa NDRRMC

Wala rin siyang problema aniya kung mahaharap man siya sa reklamo sa prosecutor ng Tagum City.

Source link

0 SHARE

Post Comments