Ilang domestic flights, kanselado dahil sa masamang panahon

     2 months ago
9
Leave a Comment
0 SHARE

Kinansela na ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights DG 6117 / 6118 Manila – Naga – Manila ng CebGo.

Kinansela rin ang flights DG 6041 / 6042 Manila – Busuanga-Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga paektadong pasahero na makipag-ugnayan sa CebGo para sa rebooking o refund ng kanilang fare.

Sa abiso ng PAGASA, ang MIMAROPA at Bicol Region ay kabilang sa makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ngayong araw.

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments