Ilang personalidad, nakiramay sa pagpanaw ni Joe Taruc

     3 months ago
27
Leave a Comment
0 SHARE

Gamit ang social media, nagparating ng pakikiramay ang mga kilalang personalidad sa pagpanaw ng batikang brodkaster na si Jose “Joe” Taruc.

Sa kanilang Twitter at Facebook accounts, nagpost ng pakikidalamhati ang mga personalidad na sina Senators Joel Villanueva, JV Ejercito, Sonny Angara at Loren Legarda, at si Armed Forces of the Philippines public affairs division chief Col. Edgard Arevalo.

Nakiramay din ang Office of the Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office sa pamamagitan ng Facebook post ni Henry Uri.

Inalala ng mga personalidad ang mga pagkakataong nakapanayam at nakasama ang brodkaster.

Binigyang-pagkilala rin ang dedikasyon ni Taruc sa trabaho bilang isang mamamahayag.

READ  Wally Sombero binigyan ng isa pang pagkakataon na lumitaw sa Senado

Pumanaw si Manong Joe habang natutulog sa St. Lukes Medical Center, umaga ng September 30, 2017.

Source link

0 SHARE

Post Comments