‘I’m still in shock,’ maraming namatay sa tabi ko’ – survivor

     2 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

BACOLOD CITY – Nasa state of shock pa rin ang mga biktima ng mass shooting massacre sa Las Vegas.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Bacolod kay Crystal Salazar mula sa Las Vegas, sinabi nito na una pa niyang inakala na nanggaling lamang sa fireworks ang tunog ng baril mula sa 32nd floor ng Mandalay Bay Hotel hanggang sa nakita niya ang katabi niyang batang babae na natamaan sa bandang likuran nito.

Dagdag pa nito, nakita na rin niya kung paano mag-panic ang mga tao sa paligid kaya’t dumapa at naiyak na lang umano siya habang nagdarasal na sana makauwi pa siya ng buhay sa kaniyang pamilya.

READ  'Manila-proofed' Van Ng Pamilya Kramer, Pinagkakaguluhan Ngayon Sa Social Media

Aniya, mabuti na lamang daw at agad na nagresponde ang mga otoridad.

“I’m still in shock. I was crying, hoping I’d make it back to my family. I’m just devastated everyone was out to enjoy a good time and it turned into tragedy,” ani Crystal.

Nagpapasalamat naman ito dahil nakaligtas siya ngunit nagdulot pa rin ito ng masamang trauma sa kanya.

Kuwento pa ni Salazar na isang veterinarian, halos mawalan siya ng boses sa kasisigaw nang mismong masaksihan ang pagkamatay ng maraming tao sa kanyang paligid.

Source link

0 SHARE

Post Comments