Imahe ng boxing nabahiran dahil sa resulta ng “Battle of Brisbane” – Pacquiao

     3 months ago
39
Leave a Comment
4 SHARE

Aminado si Senator Manny Pacquiao na nabahiran ang reputasyon ng boxing sa naging resulta ng kanilang laban ni Jeff Horn kahapon.

Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na nadismaya siya sa mga opisyal, referee at sa mga judge.

Dagdag pa ng pambansang kamao, ang ilang beses na pagsakal sa kaniya ni Horn ay dapat nakakuha na ng atensyon ng referee at dapat ay nabawasan na ng puntos si Horn.

Mayroon din dapat na bawas sa puntos ni Horn sa dalawang beses na accidental headbutt kung susundin ang professional rules ng boxing.

Sa kabila nito, sinabi ni Pacquiao na wala na siyang balak iapela ang resulta ng laban.

Kapwa naman aniya sila bukas ni Horn sa posibleng rematch.

Ngayong hapon ay nakatakdang dumating si Pacquiao sa General Santos City.

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments