Immigration: Fil-Aussie na si Marilou Danley, nasa US na ulit galing Pilipinas

     2 months ago
48
Leave a Comment
0 SHARE

Bumalik na umano sa United States ang Filipino-Australian na si Marilou Danley, ang sinasabing kasintahan ng suspek sa pamamaril sa Las Vegas na si Stephen Paddock.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Maria Antionette Mangrobang, nagtungo umano ito sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 kahapon bago mag alas-6:00 ng gabi.

Dakong alas-9:32 naman kagabi oras sa Pilipinas umalis ang Philippine Airlines flight PR102 pabalik ng Los Angeles na sinakyan daw ni Danley.

Dumating naman sa Los Angeles International Airport kaninang alas-12:32 ng hapon ang 62-anyos na Fil-Australian.

Sinabi rin ni Mangrobang na nakikipag-coordinate na sila sa Homeland Security at Federal Bureau of Investigation (FBI).

READ  P5 Billion na pondo na hindi ginamit sa Yolanda gagamitin sa Marawi City

Kinumpirma rin ng ahensya na Bustos ang maiden surname ni Danley.

Nabatid mula sa BI na pumupunta ito ng Pilipinas kada taon simula 2013, maliban lamang noong 2016.

Nito lamang ay kinonsiderang muli ng Las Vegas Metropolitan Police Department bilang “person of interest” si Danley.

Ito’y matapos umanong magkaroon ng pag-transfer ng pera si Paddock ng halangang nasa $100,000 sa Pilipinas.

Source link

Post Comments