Impeachment case hindi na kailangan ayon kay Comelec Chairman Bautista

     2 weeks ago
27
Leave a Comment
4 SHARE

Nagbigay ng pahayag si Commission on Elections Chairman Andres Bautista kaugnay sa desisyon ng Kamara sa inihaing impeachment complaint laban sa kaniya.

Sa kaniyang tweet, “unfortunate” aniya ang naging desisyon ng House Committee on Justice sa kabila ng naunang 26-2 votes para madismiss ang impeachment sa nakaraang pagdinig.

Dagdag pa nito, “unnecessary move” na ang naging desisyon ng Kamara dahil epektibo na ang ipinasang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng taon.

Sa kabila nito, kinilala ng opisyal na mayroong kaniya-kaniyang opinyon ang bawat miyembro ng Kamara.

Epektibo aniya ang pagbibitiw sa Disyembre para matiyak ang maayos na pagpapalipatan sa ahensya.

READ  Aguirre orders NBI to work with Interpol to track, nab Lascañas | News5

Nagpasalamat din ang opisyal sa pagkakataong makapagsilbi sa termino ni Pangulong Duterte.

Samantala, nakakuha ang impeachment complaint ng botong 137 no, 75 yes at 2 abstain para baliktarin ang naunang desisyon ng House Justice Committee na nagbasura sa reklamo laban kay Bautista.

Source link

4 SHARE

Post Comments