Impeachment complaint vs CJ Sereno, pang-‘political spectacle lamang

     3 months ago
11
Leave a Comment
0 SHARE

Isang paraan lamang ng pagpapalakas ng ‘political spectacle’ ang nakikitang dahilan ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa likod ng pag-arangkada ng impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado.

Ayon kay Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni CJ Sereno, marami sa mga alegasyong napapaloob sa complaint ng abugadong si Atty. Lorenzo Gadon ay hindi suportado ng anumang ebidensya.

Pawang mga ‘hearsay o sabi-sabi rin lamang aniya ang pinagbatayan ng naturang reklamo, ayon pa sa statement na inilabas ng kampo ni Sereno.

Giit nito, wala sa mga nabanggit sa complaint ang maituturing na ‘impeachable offense’ .

Sa kabila nito, nagpahayag ng kahandaan ang kampo ni Sereno na harapin ang impeachment complaint.

READ  Palace issues EO 27 to implement PH Medium-Term Development Plan | News5

Source link

0 SHARE

Post Comments