Impeachment complaint vs Comele Chair Bautista, posibleng mabasura – Umali

     3 months ago
20
Leave a Comment
0 SHARE

Posibleng maibasura rin daw ang impeachment complaint laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Pahiwatig ito mismo ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali dahil aniya sa depekto sa verification form na ginamit sa reklamong impeachment laban sa Comelec chairman.

Nabatid na ang ginamit na verification form nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras ay para sa endorsement sana ng 1/3 ng mga kongresista.

Ang naturang form ay para sana mapabilis ang proseso ng impeachment at maideretso na ito agad sa impeachment court.

Kung maaalala, ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi umusad ang impeachment complaint ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippine Constitution Inc. laban naman kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

READ  Palasyo kay Sereno: Impeachment process, bahagi ng demokrasya

Gayunman, binigyan diin ni Umali na magiging mahigpit sila sa pagtalakay ng reklamong impeachment kontra Bautista.

Maging “liberality” aniya sa usapin ay tiyak na hindi rin nila paiiralin sapagkat kailangan nilang maging consistent sa pagtukoy kung sufficient in form at substance ang mga impeachment complaints na inihahain sa Kamara.

Sa Miyerkules didinggin sa Kamara ang naturang reklamo laban sa poll chief.

Source link

Post Comments