Impeachment trial ni Bautista, ‘di matutuloy kung ‘effective immediately’ ang resignation – Speaker

     2 months ago
22
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi na raw uusad ang impeachment trial ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista kung ideklara nitong effective immediately ang kanyang resignation.

Ito ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos na baligtarin ng mababang kapulungan ng Kongreso kahapon ang report ng House justice committee na nagbasura sa impeachment complaint na inihain nina dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio laban sa poll chief dahil sa insufficiency in form.

Ayon kay Alvarez, mahihinto lamang ang impeachment trial ni Bautista sa oras na bawiin nito ang naunang timeline sa kanyang resignation na December 31, at gawin itong effective kaagad.

READ  Inabandona Ang Batang Ito Ngunit Hindi Inasahan Ng Lahat Ang Nakakagulat Na Ginawa Sa Kanya Ng Taong Nag-ampon Sa Kanya!

Kasabay nito ay kailangan din daw ideklarang “irrevocable” ng poll chief ang resignation nito upang maging balido at magkaroon daw ito ng bigat.

Ganito rin ang posiyon ni Sen. Sonny Angara, isa sa mga tatayong senator judge.

Ayon kay Angara, sa oras na gawing effective immediately ni Bautista ang resignation nito, magiging “moot and accademic” na raw ito sapagkat ang layunin naman talaga ng impeachment process ay alisin sa puwesto ang isang impeachable official na lumabag sa batas.

Subalit anila, sa ngayon na hindi pa raw ito ginagawa ng Comelec chairman, tuloy pa rin ang impeachment trail nito.

Source link

READ  Bagyong "Quedan," napanatili ang lakas

Post Comments