Impeachment vs Bautista, ibinasura sa Kamara; ‘insufficient in form’ sa botong 26-2

     3 months ago
29
Leave a Comment
0 SHARE

Tuluyan nang idineklara ng House justice committee na insufficient in form ang impeachment complaint laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Sa botong 26-2 nabasura ang reklamong impeachment na inihain nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Rep. Jacinto Paras laban sa poll chief.

Dahil dito, isang taon na hindi maaaring sampahan muli ng impeachment complaint si Bautista.

Una rito, hindi rin tinanggap ng komite ang substitute verification na para sana maamiyendahan ang naturang reklamong impeachment dahil sa issue ng teknikalidad.

Naibasura ang mosyon ni Kabayan Rep. Harry Roque, isa sa tatlong endorsers ng complaint  sa botong 2-27.

Ang verification kasi na ginamit nina Topacio at Paras ay para sa kung may 1/3  House members ang nag-endorso ng reklamo.

READ  Senate panel now has custody of 3 key witnesses in Kian slay

Paliwanag ni Roque, may mga nauna nang desisyon ang Korte Suprema hinggil sa pagtama sa proceedings.

Sinalungat naman ito ni Capiz Rep. Fred Castro sa pagsasabi na “suppletory” lamang ang mga desisyon na ito ng kataas-taasang hukuman sa mga rulings ng Kongreso.

Binigyan diin naman ni Albay Rep. Edcel Lagman na walang “specific” na patakaran na nagpapahintulot sa complainant na magkaroon ng amendment ang verification ng reklamo nito.

Malinaw din aniya na pag-aamin na deffective ang inihaing impeachment complaint kontra Bautista sa pamamagitan ng paghahain ng substitute verification ng mga complainants.

Iginiit naman ni deputy majority leader at Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc na malinaw sa sinabi ng komite na huling beses na ang pagbigay ng “liberality” sa mga impeachment complaint kasunod nang pagdinig sa reklamong impeachment ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

READ  Duterte malabong magdeklara ng Martial Law sa buong bansa - DND chief Lorenzana

Dapat naman din daw pairalin ang “fairness” para kay Kabayan Rep. Ron Salo lalo pa at kaparehas na issue ang naging dahilan kung bakit naibasura ang impeachment complaint na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippine Constitution laban naman kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Para naman kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sinabi nito na sa umpisa pa lang at hindi na katanggap-tanggap ang naturang substitute verification sapagkat hindi naman daw ito naka-address sa komite kundi sa House of Representatives mismo.

Source link

Post Comments